Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Funny Pinoy Youtube Sensations

Wala lang.

Dahil wala akong magawa, ipopost ko ang mga Pinoy Youtube videos na nakapagpatawa sakin. Yung tipong nirarape ko na ang replay button kakaulit sa mga iyan. Di ko na papahabain ito. Ito na sila: (In no particualar order)

First, Itong "Hey Baby", Simpleng video lang ito ng lalaking mukhang rapist ang ngiti, pero hindi siya nakakatakot na hahawakan mo ang mga parte mo sa katawan, nakakatawa siya promise. Actually, kamukha siya ng tatay ko kaya todo laughtrip talaga ako dito. haha



2nd, Mga Miss Universe Impersonators. Sila yung mga gumagaya sa mga contestants ng Miss Universe particular kay Venus Raj at kay Miss U 2011 Leila Lopes. Ginagaya lang nila yung mukha at pagsasalita nung dalawa perol natural na sating pinoy ang magpatawa, grabe, manhid ka nalang kung hindi ka pa matawa.

Venus Raj, 22, Philippines hahahaha


Hindi ko alam kung siya pa rin itong susunod, pero ayon sa mga comment na binasa ko, siya padin daw. Ang laki kasi ng pinayat niya grabe, kung sa itaas eh puro pisngi at bilugan ang mukha, itong nasa ibaba eh kinabog si Tyra Banks sa cheekbones niya, parang before and after, kala mo kasama siyang nagtraining for Miss U. lol


Oh diba? Ang laki ng pinayat niya, parang kakalabas lang niya ng Biggest Loser Camp. Basahin niyo nalang ang mga comments para mas matawa kayo haha. Ewan ko! haha

Last but not the least, Yung mga videos ni Ashley Rivera. Siguro nakita niyo na ito sa ibang blog, sa t.v., pero ipopost ko padin siya kasi ilang beses ko talaga binalikan yung mga videos niya. In fairness, maganda siya at sexxyy pero namamanage niyang gawing lukaret ang sarili niya. May mga haters siya dahil sa accent niya, pero lilinawin ko lang po na FAKE lang yung accent niya, for Fun nga lang, kaya love ko na siya haha Ipopost ko ang Top 4 videos niya,( sa aking opinyon ah, yung natawa talaga ako!):

Top 4: Beauty Queen Tutorial
 Ito yung unang video na napanuod ko sa kanya, I've seen it sa isang blog kaya pinanuod ko nalang lahat.




Top 3: How to Get Abs in 1 min.
Well, It's given kung bakit ito ang pinaka may madaming views, may part dito na, ooooh, nakaka... Let's watch it.



Ooops, tama na, baka naiwan parin ang mata at diwa niyo sa video sa taas. Let's continue.

Top 2: How to act in a Horro Movie
May mga part dito na utot na akong utot kakatawa, lalo na yung... Ooops ayokong magspoiler! haha Watch niyo nalang.


HAHAHAHAHA!

♫ Drum roll and beat  ♫

At ang top Top 1 : Mga Pasimple (Conyo vs. Jologs)
Dito talaga ako pinakanatawa, from start until the end. Kahit di ako nakakarelate kasi di naman ako nagbabar o nagclubbing eh nanduon yung sundot sa kili-kili na alam mong totoong nangyayari. Ganun siya kagaling. Yung last part talaga ang pinakanakakatwa, as in, babalik-balikan niyo yung part na yun. AT PAUNAWA: Huwag babasahin ang comments section dahil pawang mga spoilers ang mga nakalathala doon, kaya baka di niyo na maenjoy. HETO NA SIYA: 





Ayaaan, madami pa tayong mga Funny Youtube Hits, di ko lang mailagay lahat. Kaya siguro may part 2 ito. Nandiyaan pa ang mga videos ni Lourd De Veyra, ang "Word of the Lourd", si Mikee Bustos, at marami pang iba. Hope you enjoyed this post. Sabi nga nila "Share lang." haha I'm just sharing this funny vids kasi ako wala akong magawa. lol

Lunes, Setyembre 19, 2011

Gasgas Pinoy Dramatic Lines

Nakapanuod na ba kayo ng Classic Pinoy Dramatic Movies o Series? Marami ba kayong napapansin na parang narinig niyo na yung mga binigkas ng mga bida sa iba pang teleserye?

Wala lang. Napansin ko lang. Nanuod kasi ako ng "Maalala Mo Kaya?" nito lang sabado. Si Rodjun Cruz yung bidang lalaki, hindi ko naman kilala sa pangalan yung babae pero lumabas na rin siya sa ibang programa.

Napansin ko lang na parang ilang beses ko nang narinig yung mga linya sa episode na yun ng MMK. Ito ang mga gasgas pinoy dramatic lines: (Iilan lang ang natandaan ko kasi makakalimutin ako, hindi eksakto pero parang ganyan na rin haha.)

"Itigil na natin itong relasyon na ito, alam naman nating wala nang patutunguhan ito eh <sabay iyak, habang pinapalo-palo ni babae sa katawan ang lalaki.>"

At may kakambal yan linya na yan...

"Niloloko lang natin ang mga sarili natin. <sabay iyak at takbo>".

Lagi magkasama iyung dalawang iyan, hindi man sa iisang eksena pero lagi silang binabanggit.

"Maayos pa natin ito, <bibigkasin ang pangalan ng bida>"

at ang kasunod niyan ay..

"Alam mo namang mahal na mahal kita eh."

Ang linya na yan ay usually maririnig mo pag maghihiwalay na sila pero madalas ang nauuwi sa hiwalayan pagkatapos bigkasin ang linyang iyan. Ito pa, kapag naghiwalay na silang dalawa, maririnig mo ito sa mga kamag-anak o kaibigan nung naulila:

"Niloloko ka lang niya, nagmumukha ka nang tanga."

"Huwag kang bulang, mukha ka nang tanga."

Oo, naliligo sa "tanga" yung naulila kahit alam nilang brokenhearted at emotional pa yung bida, wala silang pakialam, sasabihin nila na tanga siya.

Hmmm. Siguro alam naman ng mga writers na gasgas na nga ang mga linyang iyan pero kaya siguro nila ginagamit ulit eh dahil naantig parin ang mga puso natin tuwing naririnig ang mga linya sa itaas. Hindi rin, kakasawa na. Pwede mo na nga sabayan yung artista sa pagbigkas ng linya dahil memorize mo na, matagal na.

Pero siyempre hindi naman lagi eh, pare-pareho ng dialogue ang mga teleserye. Gumagawa naman sila ng bago, yun bang pwede mong gawing status sa Facebook o ikalat sa mga followers mo sa Twitter. Kagayan nito:

"Isa lang ang natutunan ko sa Pag-ibig, huwag mong ibibigay lahat, magtira ka para sa sarili."

Ooops, parang narinig ko na din iyan ah haha Pero totoo, nakakemote nung narinig ko iyan.

"Hindi naman masama magpatawad, Diyos nga nagpapatawad tayo pa kaya."

Oooops, isa pa to.


Haayy, wala pala akong narinig na bago. Luma pero classic. May tagos, nakakaantig. Lahat iyan narinig ko sa MMK episode nung sabado. Sana sa mga mapapanuod ko eh, pwedeng istatus o itweet ang mga dialogue nang di nasasabihan ng  "Anu ba yan? Gasgas na iyan eh.". lol

Biyernes, Setyembre 16, 2011

Miss U opinions

Dahil mainit pa rin hanggang nagayon ang Miss Universe 2011. Tatalakayin ko lang ang mga napansin ko sa kompetisyon na ito. Simula sa mga nakakairita, nakakatawa at nakakasakit na komento lahat yan, pasok dito. lo l Let's start.

Una kong napansin ay si Miss Australia. Bakit laging kahawig ni Miley Cyrus ang mga pinapadala ng Australia, dagdag puntos ba ito? lol Si Miss Australia 2010 at 2011 ay may anggulong kahawig nila si Miley Cyrus lalo na si  Ms. Aussie 2010 lol
Miss Australia 2010:
Jesinta Campbel
Miss Australia 2011:
Scherri-Lee Biggs

Miss Australia 2012:
Miley Cyrus
Yan na, si Miley Cyrus and the look alikes. Wala akong makuhang picture ni Miley na maayos, puro kasi nakapout, nakabloopers o wagas ang ngiti. Siguro next year si Miley Cyrus na ang padadala sa Miss U baka sakaling masungkit na ang korona kahit di naman siya tagaroon lol

Pangalawa, yung nakakainis na cohost ng Miss Universe 2011, si Shandi Finnessey. Bakit kamo? Eh wala ng bukambibig kundi, "She was my favorite...","She was one of my favorite since the start of the competition.","My favorite is still in there.","She is my all time favorite.", at "I was big fan of hers since...".

#%^%& Wala ka na bang ibang masabi kundi favorite mo si ganoon at ganito and take note na sa ibat-ibang contestant niya sinabi yung mga yan. Kay Miss Panama, Venezuela at yung huling quote kay Shamcey niya sinabi. Pero pinakafavorite daw niya si Miss China! Sino ba talaga ateng? haha Buti pa yung isang cohost niya eh panay puri lang ang sinasabi kahit half Chinese siya, di niya sinasabi na fav. niya si Miss China, pro-Shamcey pa nga siya eh haha At dahil diyan Shandi, ikaw na ang kokoranahan bilang Miss Balimbing-Universe 2011. 

Last na to but definitely not the least, isa to sa mga tweet patungkol kay Miss Philippines, obviously si Shamcey ang tinutukoy niya.:

May "@" kasi Retweet yan, di po siya ang minention.


Nabasa ko yang tweet na yan after the Miss Universe 2011. Siyempre, alam mo naman tayong Pinoy, kapag nalait ang ating lahi at kultura, eh war declaration ang katapat. Si MG (short for MC_Gale) ay hindi Pinoy, banayaga siya probabaly sa US. Ayun, dinumog ng sangkatutak na comments si MG, puro panalalait tuloy ang natanggap niya. May mga nagtweet, "Who's talking?","Can't you see yourself?" at dito ako natawa: "How's Smurfsville?" HAHAHAHA Benta, dami kong tawa sa mga nabasa kong reply tungkol sa Tweet na yun.Sana ibang bansa na lang ang tinira niya. Nagkamali siya, "SOCIAL NETWORK CAPITAL" pa ang nilait niya. Excited na ba kayo makita kung may karapatan ba siyang magmaganda? Ito na, look closer and you will  see the fugliest face in your entire life:

DI MO BA MAANINAG? ZOOM PA NATIN!
Hold your breath muna! Hingang maluwag, you will see the person na nagsabi na mukhang Tranny si Shamcey.



5

4

3

2

1

BAGOOM!
The Smurfs: On theaters nationwide!


Oh, nabighani kayo no? Nabighani kayo imurder? lol

P.S. Kung titignan niyo ang profile niya sa Twitter, nakaprivate na ito, dati kasi bukas sa publiko ang mga mahiwaga niyang mga tweets. Kung gusto pa rin siyang resbakan, itag niyo na lang siya sa tweet. Just Kidding. Salbaheng bata Haha!


Huwebes, Setyembre 15, 2011

Congrats Shamcey Supsup!

I just wanna greet Miss Shamcey Supsup Congratulation for bagging the third place of Miss Universe 2011, behind Miss Universe 2011 ,Miss Angola (Leila Lopes), Miss Ukraine and Miss Brazil. Miss China placed 4th.
Miss Philippines: Shamcey Supsup
Issue pa rin hanggang ngayon si Shamcey Supsup, di lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Marami ang nagsasabi na dapat siya ang nanalo or kung hindi man, she deserves the 1st runner-up or the 2nd.

Pero sabi nga niya Let's just be happy for Miss Leila Lopes, oo nga naman, maging masaya na lang tayo sa kanya, maganda rin naman siya, black beauty talaga siya. Sa dinami-dami ng contestants, maswerte nga naman na kasama pa siya sa top 5. Nakakahinayang nga lang na di niya nasungkit ang korona, hayayay. Tsk2

Sabi nga ni Ms. Lea Salonga, may mga factor daw na kinokonsider kung sino ang mananalo sa kanila, piliin daw nila  kung sino ang nagpa"starstruck" sa kanila, yung tipong, titingin ka talaga pag nakita mo siya at siguro si Miss Angola ang nagtataglay nun.

Sabi naman ni Ms. Universe 1969, Gloria Diaz, it's all about LUCK. Oo nga naman, paswertihan lang naman ang labanan, swerte na rin tayo at nakaabot si Shamcey sa top 5. Siguro kung tinanggal niya ang "scarf" niya at ang "OMG-Buntong hininga look" niya baka mas mataas pa ang nakuha niya. Panahon pa yata ni Gloria Diaz yang expression na yan. I know na baka nagugulat lang si Shamcey kaya ganun, pero lahat naman siguro ng contestants ay nagugulat every time na tatawagin sila, pero siyempre huwag mo nang pahalata sa madlang pipol dahil dapat confident ka sa sarili mo just like what Venus Raj did last year.

The bottomline is Shamcey did a great job. Well, napahanga ako dahil siya lang ang walang interpreter sa 5. Kaya ang ibang lahi ay humanga satin ng todo-todo. Biruin mo from a third-world country ay English ang lenguahe.Kaya pasalamat tayo ng English is our 2nd national language, it's a big advantage kahit saan mang larangan ka kasali. And Shamcey was the one of the best Pinays na pinadala natin sa Miss Universe, sa credentials palang niya, nakakalula na, and imagine that boyish pala siya dati and bihira lang daw siya magsleeveless. Oh diba? 

And Trivia lang, Philippines is one of the best Asian countries na sumasali sa Miss Universe. Why?

Well, Philippines placed 5th sa mga nag-uwi ng korono ng Miss U, along with other Asian countries like Japan, India and Thailand. All of them have 2 crowns na including us. Kaya naman kung sino man sa apat na yan ang mananalo ng isa pang Korona, yun na ang tatawagin na, best Asian Country ever sa Miss Universe. Eeee, paunahan na lang po, Japan, India and Thailand ah? Another one is Philippines have the most Miss Photogenic award. Mayroon tayong 7, kasi yung 4 ata dun eh through online voting, kaya naman pala haha lol

Oo lahat ng to niresearch ko kasi wala akong magawa haha Kahit dalawang beses palang akong nanunuod ng Miss Universe, 2010 &2011, eh nakakaplace ang bansa natin sa Top 5, lol Siguro every year dapat manuod na ako haha Lucky Charm ba? lol 

And last, Goodluck nalang kay Miss Philippines-Universe 2012, the pressure is now yours lol

Linggo, Setyembre 11, 2011

Handaang Pinoy Part 2

Ayan na nga, inalok na tayong kumain. Anu pa ba ang makikita natin sa lamesang pahaba na puno ng pagkain. Heto na ang Most Common and Gasgas food on Pinoy handaans lol

1. Pansit / Istapegi (Read: Spaghetti)

Maasim o matamis?
Hanapin ang mga sahog.
 Magkatoto itong dalawang Pasta dish sa handaang Pinoy. Its either nadyan si pansit at wala si Spaghetti o nadyan si Spaghetti at wala naman si Pansit. Pero minan pag nakaLL (nakaluwag-luwag) eh present silang dalawa. May mga maarti kasi na ayaw ng pansit katulado ko, lol Kumakain naman ako pero hindi ko lang siya favorite. Meron naman, feeling nila magkakadiabetes sila sa spaghetti na ubod ng tamis kaya sa Pansit nalang sila lalamon. Oops, di lahat ng spaghetti eh matamis. Sa mga middle class, pang fastfood chain ang lasa, maasim, mmm, del monte ketchup tomato sauce. Pag medyo walang budget, mmmm, ang tamis, banana ketchup is the main ingredient. Lol  Totoo, sa Pinas lang yata ang may Sweet Istapegi, pinanindigan talaga natin na mayroon tayong "sweet tooth." Ang Pansit naman kapag walang budget, repolyo, carrots, kaunting karne, Voila! Pansit for everyone. At kapag sinuwerte at may datung, may additional na itlog, karne, minsan may seafood pa at broccoli, jk lang yung huli, hindi na pansit yun, chopseuy na.

2. Fried Chicken

Tustado pa yung iba lol
 Wow! Improving. Fried Chicken. Oo isa din ito sa mga di nawawalang pagkain sa handaang Pinoy. Mamantika man yan o inihaw. Wapakels na, laman tiyan din iyan. Minsan sa mga sumusunod  pa sa tradisyon kagaya namin, eh bagong katay ang hinhanda. Yap, minsan wala na akong gana kainin ang Fried chicken na handa namin. Eh paaano ba naman, nakita mo kung paano pinatay yung manok, sayo pa papatanggal ang balahibo. Eww, wala akong magagawa kundi tanggalin ang mamasa-masa at mainit-init na balahibo sa bagong kulong manok, sana may cash prize na kapalit. Fear Factor? lol Hindi ko na tuloy masikmura kainin yung manok.

3. Hotdog

Perfect Example lol
 Isa pa ito. Hinding-hindi mawawala ito. Tender Juicy man o yung galing sa palengke basta may hotdog. Kapartner nito ang Marshmallows at BBQ Stick, hindi naman inihaw, tapos itutusok kung saan-saan, sa pakwan, melon, pinya, sponge o sa kahit anong bagay na maiisip mo na pwede magtirik ng bagay. (Katulad nung nasa larawan) Minsan inaalis ko yung marshmallows, hello? Hindi sila vibes, ang tamis tamis ng marshmallows tapos biglang karne? Kung sino man ang nag-imbento nun, ewan ko sayo. Sana cash nalang o alahas ang kasamang nakatirik ng hotdog eh di ngiting wagas ang mga bisita mo? Minsan hindi nadin ako kumakain ng hotdog kasi kulubot na atkasing lamig na ng bangkay. Choosy eh nu? Gusto ko kasi yung juicy, bagong luto. Minsan nga hinhanda ang Hotdog para sa mga....

"Partey! Partey" sabi ng lamok.



4. Desserts o Panghimagas

Huwag naman ganito ang ayos. Hindi
naman sari-sari store ang handaan mo.
 Ito na. Ito lagi ang hinihintay ko sa mga handaan. Kadalasan nga, mas nauuna ko pang kainin yung dessert kesa sa mga main course. Iyung dessert, minsan sa mga nakaLL lang may ganito kasi nga naman ang mahal ng Cake, Ice Cream atbp tapos wala pang isang oras ubos na. Sakit sa bulsa. Pero may mga alternatives naman katulad ng Ube, Buko Salad, Leche Flan hmmm hindi pa din. Masakit sa bulsa. At susmaryosep, sa paggawa palang ng mga iyan daig mo pa ang sumali sa Biggest Loser sa sobrang hirap gawin ng mga iyan. Kaya ang pinoy, bibili nalang ng mga ready made, iyun na nga, katulad ng Cake at Ice cream. Pero kung wala kang pera at matigas ka talaga, pwede na ang Maxx Candy, Flat Tops, Mentos, at mga chocolate na hugis pugo (Alam mo iyan!) haha at ilagay mo sa magarbong lalagyanan. Huwag mo nang ilagay sa palayok o ipasabog sa ere dahil wala nang magkakainteres sa mga candy na nalaglag na sa sahig at natapakan na ng ilang paa. Pwera nalang ang mga bata. Bata nga eh, wala pang muwang. Pero beware lang sa mga pasosyal na parents.

"Hey, don't tats that. That's dirty!"

Pwe, If I know, kapag walang nakatingin, pupulutin mo din iyan, nang dahan-dahan. lol

5. Drinks o Panulak

Anung meron sayo at sarap na sarap
sila?
Panulak. Panulak para sa mga gahaman kumain lol Hindi naman, siyempre kailangan may drinks. Para sa mga bata at matanda. Sa mga bata okay na ang Orange Juice, hindi ko alam kung bakit laging orange ang flavor sa mga juice. Sa matatanda naman, siyempre mawawala ba naman ang inuman. Wapakels ang mga erpat natin kahit may mga bata sa tabi, basta nagsasama-sama ang mga kumpare, inuman nag katapat. Ang children's party naging "Bachelor's party" lol At hindi-hinding mawawala ang first taste sayo ng erpat mo. Naranasan mo din ba na patikimin ka ng tatay mo ng San Miguel or whatever dahil mapilit kang tikman iyon? Nakalimutan ko na kung ilan taon na ako nun basta panahon pa ni Mojacko at Doraemon nun, mga 7 years old siguro. At ang PAIT! BITTER! Hindi ko alam kung bakit sarap na sarap sila sa beer at nakakaubos pa sila ng isang kaha. Anung meron sa beer at best seller sa mga sari-sari store? Yun na ang last kong tikim ng beer, hindi na. Coke nalang po! Siguro bata pa nga ako. Sabi nga sa kanta, "ang serbesa ay hindi inuming pambata". Kaya Orange Juice and Softdrinks are enough.

Siguro may mga mali sa mga pinaglalagay ko sa itaas. Ayon lang naman ito sa aking obserbasyon. Kaya kung pupunta sa handaang pinoy, expect these Pinoy Delicacies at ito ang mga laman ng transparent plastic ng nanay ko. Bow.

Handaang Pinoy

Well, It's been awhile since the last post I wrote here. Haha busy-busyhan ang wala, masyado kasi akong naadik sa Sims Social sa Facebook kaya nawala ang isip ko sa blog na ito.

Hmm, tama na muna ang mga issues sa bansa, pagtuunan muna natin ang kulturang Pilipino.

"Handaang Pinoy". Nakapunta ka na ba sa mga handaang Pinoy? Sa Bday? Sa Binyag? Despedida? Atbp. Well, tatalakayin ko ang mga naobserbahan ko sa mga Pinoy na nagpupunta sa handaan.

Una, Hinding-hindi pupunta ang Pinoy sa isang handaan kung hindi sila imbitado. Mataas kasi ang pride natin, hindi bale nang magutom , kesa matawag na "Gate Crasher" o KapalMuks pwera lang sa iba na wala na yatang natirang kahihiyan sa katawan. Pero bilang ganti, hindi rin nila iimbathin ang mga "Persona non grata" na hindi umimbita sa kanila. Kwits lang ika nga. Minsan pinag-uugatan pa ito ng away at tampuhan, babaw no? haha Pero totoo.

Pangalawa, Bihirang pumunta ang pinoy sa handaan na mag-isa lang.Kailangan, may masama sila kahit isa lang, anak, pamankin, apo, kapatid etc name it! Pero kadalasan walang gustong sumama haha Oo, ilang beses ko nang naranasan sa nanay ko at mga Tita ko na kaladkarin may kasama lang sila sa Bday o Binyagan. Hindi ko alam kung bakit, pero kapag walang gustong sumama, hindi narin sila pupunta. Diyahe nga naman kung loner ka pwera nalang kung kaclose mo ang pupuntahan mong handaan.

Ayan na, Imbitado ka na sa handaan. Imbes na wallet, suklay, pulbos ang laman ng bag mo o ng nanay mo eh, transparent na plastic ang laman, oo yung plastic na pinaglalayan ng mga ulam sa karinderya. Naks, Boy/Girl Scout ang dating, handang-handa kung may madedekwat ng pagkain. Kapag ako ang nagpupunta sa mga bday atbp, ang laging bilin sakin ng nanay ko "Pasalubong ah! Magdala ka ng plastic diyan." Pero bihira lang akong mag-uwi ng pasalubong, excuse ko nalang "Daming bisita eh, naubos yung handa." Lusot. Nahihiya kasi ako, alam naman nating Pinoy na walang kasing-sakit na masabihan tayo ng "Patay Gutom". lol

Eto na nga, pumunta ka na sa bday party o anu pa man. Siyempre, ayaw nga nating masabihan ng patay gutom diba? Kaya hindi kagad didiretso ang pinoy sa mga pagkain na nakabalandra sa lamesa, kundi dun tayo tutungo sa celebrator o sa magulang ng celebrator. Chika dito, Chika doon. Of course, multitsaking ang mga Pinoy, habang nakikipagchikahan sa kausap eh sinisipat-sipat na ang mga pagkain na nakahanda, sa mga kumakain o sa mga dumadaan.

"Oo, mare mag18 na ang bunso ko next year."

"Oo nga mars, nakikita ko na... Naamoy ko na.... ang"

"Ang alin?"

"Ayy, oo naamoy ko na nga yung anak mo."

Patay na. Nawala na sa topic, pero may koneksyon padin nama kahit papaano. Multitasking nga diba. At pag napansin na ng celebrator o nang magulang ng celebrator na medyo ang tagal na ng "Chikahan" niyo. Eh alam na natin ang ineexpect na lalabas sa bibig nila. "Oh bakit hindi pa kayo kumakain?" Oo, automatic yan, iyan lang naman ang hinihintay natin mula sa kanila. Ang tanong na naghuhudyat ng Go Signal. Kainan na. Minsan sila pa ang mag-aabot ng plato at spoon and fork sayo.

Mission Accomplished.

Hala, Sige ang wala. Usually isasabay na nila doon ang ilalagay nila sa mahiwagang plastic para hindi bulgaran.

Haayy, may Part 2 pa ito mahaba na yata kasi. Yan ang karaniwang eksena sa handaang Pinoy, kadalasan sa Middle class pababa ang mga ganitong eksena. Nga naman, walang mayayaman ang mayroong transparent na plastic sa bag. Wala. Zip lock plastic lang. Just Kidding.

Lunes, Agosto 15, 2011

Into the Duction

Well, first blog ko ito na hindi "Dear Diary" ang tema, yung dalawa ko kasing blog puro tungkol sa kaibigan, sa akin, etc ang laman, kaya sino naman ang magbabasa nun? Eh di kami kami lang. Ang corny, corny pa, puro "Hayyy, ang lungkot ko ngayong araw.","Haaay, ang saya ko ngayong araw.", walang mapapala ang magbabasa ng ganoon ang laman, dahil wala rin siyang pakialam kung bakit ka masaya o malungkot dahil hindi ka niya kakilala. Make sense diba? Siyempre kung kasing sikat ko lang ba si Justin Bieber o si Kim Kardashian, may magababasa pa ng blog ko kahit ang laman lang ay "F*ck off, that bitch must really.." o "TGIF, we had a great party. Sleepy. ZZZ", diyahe, kahit gawin ko pang Twitter tong blog na ito ay siguradong may magbabasa.


Ginawa ko pala itong blog na ito dahil obviously sa title palang. "Walang Magawa" ay wala talaga akong magawa. Bakit? Confirmed. Certified TAMBAY ako ngayon.As in kain, tulog, T.V., computer. Sa araw-araw na ganoon ang ikot ng buhay ko, naisipan kong gumawa ng blog. Ang tema ng blog ko ay tungkol sa mga Pinoy at mga random things na gusto ko ishare :). SIguro sa tingin niyo walang kwenta itong blog ko, maari nga, pero sa akin dito ko maipapahiyag ang mga kuro-kuro, opinyon, adhikain (wow, ang lalim) sa mga araw-araw na gawain ng isang Pinoy.

Sorry kung medyo magulo pa yung itsura ng blog. Kailangan ko pa kasi pag-aralan (Naks, mag-aaral daw oh) haha